Naranasan mo na bang magsisi? Yung tipong sa lahat ng pinag sisihan mo yun yung pinaka masakit at nakakabaliw na pagsisi? Kung oo. Ituloy mo lang ang pagbabasa nito. Baka parehas kasi tayo ng naramdaman.
Alam niyo ba yong feeling na gusto mo na lang mamatay kesa sa mabuhay? Kasi lahat na lang ng tao pakiramdam mo galit sayo. Wala ka ng ibang ginawang tama kundi puro mali na lang. Minsan naisip ko na lang "magpakamatay na lang kaya ako? Sa ganun magiging masaya na sila." Unti-unti you just feel like you're fallin' into pieces.