Maaring basahin ito ng mga duwag. "Ako si Dianne, labing-anim na taong gulang, limang talampakan ang taas, medyo maputi ang balat, may pagkakulot ang buhok, halos pabilog ang mata, manipis ang labi, at ako ay isang manananggal. Hindi ako dapat katakutan. Kung ano man ang nalalaman mo tungkol sa mga manananggal, kalimutan mo nang lahat iyon, sapagkat marahil karamihan sa mga impormasyon mo ay hindi totoo..."