Feberly "Feby" Soriano was indeed career oriented. A real stubborn at times na mahilig sa mga nauusong palda. Iyon nga lang pagdating sa mga manliligaw ubod ng pihikan at suplada. Kahit pa pawala na sa kalendaryo ang edad niya!
Though secretly, she was only waiting for an anonymous man who could made her heart turned upside down. Na sa tagal ng panahon, hindi pa rin niya matagpuan.
But then suddenly in front of her, there came Fernand Dela Torre. Standing din sa LRT, mayat maya ang makalaglag pusong mga ngiti. Idagdag pa ang hitsura at tindig na taglay, akma talaga para maging modelo ng branded toothpaste. At sa impact ng lalaking ito kay Feby, agaran na lang siyang kinutuban na marahil ito na nga ang lalaking hinihintay.
Pero sa isang iglap naglaho kaagad ang magagandang impresyon niya dito. Tama pa ba kasing mahumaling pa rin siya kay Fernand na sumulpot na lamang sa opisina para palitan siya?
At tila nakipag-date pa talaga ito makuha lang ng tuluyan ang nais na event sa kanya.
Ang dating tuloy kay Feby, na-itsapuwera ang galing niya. Kayat hindi siya basta nagpadala sa pamatay charms ni Fernand. Handa niyang sagipin ang inagaw nito sa kanya.
Iyon nga lang, nang malaman niyang ex-girlfriend na lang pala nito ang babaeng kaakbay sa mall ay naiba naman na ang focus niya. Mukhang si Fernand na kasi ang gusto niyang asikasuhin at ipaglaban. Kaysa sa product launch party na parehas nilang pinag-aagawan...
"And if I'm under your spell, I wish to stay bewitched forever..."
Jake was in trouble at ang makalulutas lamang ay si Atty. Buluran. Ngunit may kondisyon ang tusong abogado: Pakakasalan ni Jake ang anak nito. Pumayag ang playboy.
Palaki ng lola si Willa. Ordinaryo? Hindi. Sapagkat ang kanyang lola ay isang authentic witch na nagmula sa Siquijor. Itinuro nito sa kanya ang lahat ng nalalaman sa mahikang itim.
Bewitched. Iyan ang salitang tugma kay Jake nang masilayan si Willa. Sinuyo nito ang dalaga at hindi naman nabigo, sapagkat si Willa ay kaagad ding nabighani kay Jake.
Ngunit nalaman niya ang tungkol sa kasunduan ng binata at ng kanyang ama. Hindi pala totoo ang pag-ibig ni Jake. Ngayon ay isasagawa niya ang kanyang ultimate magic ritual upang gantihan ito.
Paano na ang pag-ibig ni Jake? Tubuan kaya ito ng maraming kulugo, o lalo pa kayang humaba ang kanyang ilong?