First of all, hindi po saakin ang storyang ito. Sinulat po ito ni Sarrah Armenta. Gusto ko ang i-share 'tong story na ito. Maganda kasi sya although maiksi lang. ^________^ SHE'S MY NO. 1 FAN written by Sarrah Armenta A.K.A sjmcarmenta Copyright © All Rights Reserved 2012 Naniniwala ba kayo sa kasabihang 'All is fair in love and war'? Ako kasi hindi eh... pero dati yun... Dati, ang akala ko, imposibleng magkagusto ang elepante sa daga. Imposibleng magkagusto ang balyena sa tilapia. Imposibleng magkagusto ang agila sa maya. Pero mali pala ako, dahil pagdating sa pag-ibig, pantay-pantay lang lahat. Walang malaki, walang maliit. Walang maganda, walang pangit. Walang mayaman, walang mahirap. At higit sa lahat, walang celebrity, walang ordinaryong tao. Akala ko kasi dati, mahirap abutin ang isang artista. Tingin ko sa kanila dati ay kagaya ng mga prinsipe na napapanood ko sa mga Disney movies. Pero mali pala ako, dahil sa likod ng camera, para rin lang silang ordinaryong tao na kagaya natin. Sumasaya, nalulungkot, nasasaktan, at higit sa lahat, nagmamahal. Siguro, nagtataka kayo kung bakit ko nasasabi lahat ng 'to nuh? Oh well... sige, ishe-share ko sa inyo ang love story ko...