Paano ka magpapatuloy, kung ang dahilan para gawin iyon ay kinuha na Niya?
Paano ka pa maniniwala, kung sa mumunti mong pagtawag ay tila bingi Siya?
Kakapit ka pa ba, kung Siya mismo, kinalimutan ka na?
Paano kung yung inaakala mong magiging pinaka masayang araw ng iyong buhay, ay siya pa lang magiging pinaka masakit na yugto? Paano mo haharapin ang katotohanang hindi mo na makikita ang iyong pinaka mamahal kahit kailan? Na sa mga larawan mo na lang siya pwedeng tingnan?
At paano, kung sa paglipas ng panahon, ang inakala mong paghinto ng iyong puso, ay muling tumibok? Handa ka ba na muli itong buksan? Magmahal... at muling masaktan?