Kaya mo bang buksan ang puso mong hindi pa nararanasang umibig? Handa ka bang umibig sa taong hindi mo inaasahang magpapatibok sa iyong dibdib? Kaya mo bang bigyan pa ng isang pagkakataon ang mahal mong minsan nang nasira ang iyong tiwala? at hanggang saan ba ang kaya mong isugal para sa kapakanan ng mga mahal mo sa buhay? Sa kuwentong ito, ang bawat desisyon na gagawin mo ay may aral kang makakalap. Walang makapagsasabi kung ano ang tama dahil iba-iba ang pananaw ng bawat isa. pero sa kanilang istorya, hindi mo dapat kalimutan na isa sa mga nagpapanatili sa isang relasyon ay ang maayos na komunikasyon kaya dapat kang matutong makinig at magsalita.