Perpekto na sana ang misyon niya bilang isang Anghel Dela Guardia, pero nangyari ang 'di inaasahan - Umibig siya sa babaeng dapat sana'y itatawid niya sa kabilang buhay. Sa isang simpleng pananalita, kwento ito ng isang Bawal na Pagibig. Pero huwag kang mandiri dahil hindi incest ang tinutukoy ko at lalong wala itong bahid ng SPG ( Well, siguro meron din. Pero masusi siyang sinuri ng MTRCB at pumasa naman sa kanilang panlasa. *wink*) Kwento ito ng pag-iibigang hinadlangan ng langit at lupa. Isang bawal na pagmamahalang tatawid hanggang kamatayan. Kung langit na ang magpapasya, Mangingibabaw pa rin ba ang pagmamahal, oh masusunod ba ang kung anong itinakda? ********************** Anomang larawang kalakip sa panulat na ito ay hindi sa'kin at ang Karapatang Ari ay ibinibigay sa kaukulang nagmamay ari ng mga larawang nagamit. All Rights Reserved February 2016 @jeyffermendez
32 parts