65 parts Complete Scarlet Shane Ramires, 16 years old, at munting prinsesa ng Aris Group of Company. Isang babae ng naghihintay sa pagdating ng kanyang nag-iisa at pinaka mamahal na kuya, si Thomas Jacob Ramires.
.
Si Thomas Jacob Ramires, ang tagapagmana ng Aris Group of Company. Simula nung pagkabata ay itinago na siya ng kanyang Ama, dahil sa isang mahalagang rason. Lumipas ang panahon at kinailanganng magpanggap ng kanyang kaibigan na si Alexander bilang siya, para sa kapakanan ng kanyang kapatid.
.
Si Alexander Givarra ay isang average boy na galing sa magulong pamilya. Ang kanyang mga magulang ay palaging nag-aaway at hindi nawawala doon ang sakitan at bugbugan kaya lumaki siya na palaging tambay sa labas ng bahay. Isa lang ang kaibigan niya at yun si Thomas. Malaki ang utang na loob niya kay Thomas kaya hindi niya ito matanggihan sa hininging pabor.
.
.
Ano kaya ang mangyayari sa kanila?
.
Mahahanap ba ni Scarlet ang kanyang kapatid?
.
Mananatili kayang nakatago si Thomas?
.
Magagampanan ba ni Alexander ang mission niya?
.
.
Abangan...♥♡♥