Marga was a safe girl. Kaya nang makilala niya ang trouble-maker na si Kris, iniwasan agad niya ito. Nang niligawan naman siya nito, tumakbo agad siya palayo kahit alam niyang gusto niya rin ang binata. Ayaw niya kasing madamay sa mga gang war kung saan ito ang laging "main star." Pero siya rin naman ang napagod kakatakbo. Nakipag-compromise na lang siya kay Kris. Sasagutin niya ito kung hindi na uli ito makikipag-away. In fairness, nagbago naman ito. Naging maayos ang relasyon nila ni Kris. Pati nga school legend para maging sila forever, pinatulan nila. Ayon kasi sa Luan's Myth, kapag sinulat nila ang pangalan nila ng boyfriend niya sa love book, hindi na sila maghihiwalay. Eh kaso, kalaunan ay nag-break sina Marga at Kris. Napansin ni Marga na hindi lang pala basta-basta biro ang "myth" na 'yon. Naging "sumpa" 'yon na parang hindi titigil hangga't hindi "nadidispatsa" ang bago niyang boyfriend. Isang paraan lang ang natitira para matigil ang sumpa. Kailangan nilang bumalik ni Kris sa dati nilang school. Ng magkasama. Ang problema, may new girlfriend na ito. Awkward.