Kung mahilig ka magbasa ng mga love story, maaliw ka sa kakaibang kumpilasyon ng mga love stories na ito... Pero teka, hango lamang ito sa karanasan ng isang babae! Samahan si Cynthia sa pag-alala sa mga pagkabigo, katangahan, at pag-ibig na marahil hindi mo pa nararanasan; dito sa isang textbook, este guidebook daw para sa kanyang mga magiging anak upang turuan sila sa pag-ibig. Hango sa kwento ng totoong buhay, totoong katangahan, totoong pagkabigo at totoong pag-ibig. Eh teka, paano nga ba magkakaroon ng anak si Cynthia kung na-miss nya daw si "The One"?
3 parts