Alam niyo 'yung pakiramdam na may natitipohan kang isang Lalaki/babae? At dahil 'dun naging i-stalker ka niya 'yung tipong halos lahat ng galaw niya eh alam na alam mo. Pwes congrats kung ganyan ka man ikaw na ikaw na talaga Si Tanga ang huwarang Tanga. Nakaramdam ka 'ba na may parating nakamasid sa bawat kilos mo subalit pilit mong iwinawaksi sa kadahilanang takot kang ma-reject? Hay naku! problema nga yan ano! pero alam mo minsan hindi masama ang maging isang ganap na feeler. Try mong pansinin malay natin tama yung hinala mo. Pero kung ayaw mo parin. Pwes congrats din, graduate nalang ang tsonggo ng mga baliw eh ikaw nganga parin. Ikaw na talaga si Manhid ang Palaisipang Manhid! Ngunit paano kung pagtagpuin sila ng tadhana? Magiging tagumpay ba ang kanilang pakikipagnaig o mananatiling huwarang tanga ang isa samantalang palaisipang manhid naman ang pangalawa? HAHAYY MAGULO BA? WELL ONLY ONE WAY TO FIND OUT.