Soul Search 1: Wicked Encounters (Completed)
28 parts Complete [UNEDITED]
"Do you believe in demons?"
"Alin yung mga nasa hell?"
"Basically, not all demons are in hell. Some are here in the earth. Some are just state of the mind, so,"
"Ano bang gusto mo sabihin? Ang dami mo pang paligoy-ligoy?"
"I just wanted to tell you very casually that I am a half-demon."
"Alam ko. Ginawa mo ba namang miserable ang buhay ko ngayong 2nd sem?"
"Stop using your figures of speech, warfreak girl."
"Baka half-jejemon pwede ka pa?"
"You really have a loud, unstoppable mouth..."
At pagkasabing-pagkasabi nun ni Levine ay biglang uminit ang paligid. Nakita kong may usok na umaangat mula sa sahig na kinatatayuan nito. Alam kong medyo hot si Levine, inaamin ko yun kahit naiirita ako sa kanya, pero hindi ganito ka-hot na naging literal na.
Sa totoo lang, dapat ay nagugulat ako sa mga pangyayari pero... bakit parang alam ko ng may mangyayaring ganito?
Parang naka-saksi na ako ng pangyayaring ganito...
Dati.
Matagal ng panahon.