Maganda, talented At brainy ka naman Bakit hanggang ngayon di ka pa rin nag kakaboyfriend? Tanong sa kanya ng pinsan niyang mahadera na galing ng probinsya. Ngiti lang ang sinagot niya dito. Hindi niya rin alam. Siguro hindi pa lang tamang panahon. O siguro naghihintay pa rin siya sa taong imahinasyon niya na lang makikita. Habang naglilinis siya ng kwarto na tutuluyan ng pinsan niya ay nakita niya sa isang sulok ang gitara na tinago nya ng matagal na panahon. Maraming alaala ang gitara na iyon na dapat ng kalimutan. Maganda pa naman ito at matibay pa. Kaya napag desisyunan niyang ipost niya na lang ito sa olx at ibenta. Nang makipag meet siya sa buyer niya ay hindi siya makapaniwala kung sino ito. Parang gusto niya na lang umatras pero nakita na siya nito. Hmmm abangan.