Usap-usapan sa unibersidad nila ang muling pagpapakita ang 'multo' ng isang babaeng naka-itim na cloak at puting maskara makalipas ang ilang taon nitong pananahimik. Samantala, ang bagong saltang propesor sa unibersidad nila ay naatasang mag-imbestiga ukol sa katotohanan sa likod ng mga kaso ng pagpatay ng 'multong' ito. At nagsimula siya sa pag-iimbestiga sa mga naroroon mula ika-pitong baitang na siyang unang taon ng pagpaparamdam ng multong ito... at sinimulan niya ito kay Nelich Dilab.