MEGEAL pilit buhayin ang sarili sa pagiging normal na tao. Ngunit hindi nya magawa dahil sa isang bagay na pinagkaloob sa kanya. Palaging nagiisa. Takot sa liwanag. Lungkot na laging nararamdam. At Depresyon TONIKA Walang pangarap sa buhay, hindi masasabing normal na babae dahil sa kilos. Asul na buhok. Tattoo sa braso. Piercings sa tainga. Barkada. Kasiyahan. Bisyo. Kalayawan at Kaaway. Paano nga ba magtatagpo ang magkaibang pamumuhay? Kung sa ugali sila ay magkaibang magkaiba? Paano nila mapapatunayan ang totoong pagkakaibigan kung ang pagsubok ay laging nakaantabay? Paano nila kakayanin ang lahat, sa pamamagitan lamang ng pagmamahalan? KAIBIGAN