Si Bridgiette ay may malaking fetish sa mga hooded jackets or shirts.
Tinuturing niya ang mga ito bilang mga kaibigang na ni minsan ay wala siya.
Hindi siya baliw.
She's just very depressed and EXTREMELY lonely.
Wala siyang pamilya, kaibigan o mga kamag-anak na gusto siyang kupkupin.
Nakatira siya sa isang apartment na magisa.
Nagpapart-time job din siya bilang isang waitress sa isang bar para mabayaran ang mga babayarin sa apartment niya at sa school na kanyang pinag-aaralan.
Isang araw, nang umuwi si Bridgiette sa kanyang apartment, nakita niya sa sala niya ang 4 na gwapong lalaki na nagsasabi na sila daw ang mga hooded jackets niya.
Sounds crazy, right?
But it's not something to make fun of, for it is real.
Ang apat na lalaking ito ay sina :
Jake, ang pinakamabait na lalaki sa balat ng mansanas. Siya ang pinakamayabang sa kanilang apat. Siya rin ang pinakasnob. Hindi niya pinapansin at nilalapitan si Bridgiette, sapagkat ayaw niya.
Jeffrey, ang sweet and charming na ang dati ay pinaka paboritong jacket ni Bridgiette. Siya ang tumutulong kay Bridgiette kapag yung tatlo ay tatamad-tamad. Hindi lamang siya ang paboritong jacket ni Bridgiette, siya rin ang pinakapaborito niya sa tatlo.
Jett, ang patner-in-crime ni Jake. Siya rin ang may hilig sa pagtutukso kay Bridgiette. Kung si Jake ang pinakamayabang sakanila, siya naman ang pinakatamad. Utusan mo lang tumayo ay hindi niya gagawin. Ganun siya katamad.
Jason, ang pinakacute na lalaki na makikita mo. Mas cute pa sa aso mo. Si Jayson ay may habit na pagpapakyut kapag may gusto siyang makuha. And of course, you won't know what to do but to give in to his wishes.
Kakayanin kaya ng powers ni Bridgiette ang alagaan ang apat na makukulit at mayayabang na lalaking ito?
Paano kung mainlove siya sa mga lalaking ito?