Sa buong buhay ko, ngayon lang ako inabot ng ganoong oras ng gabi sa pagmamaneho. Papunta ako ngayon sa isang shortcut na madalas kong dinadaanan sa tuwing uuwi ako sa amin galing sa isang malayong biyahe. Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo. Sampung minuto na lang pala bago mag-alas dos ng hatinggabi. Wala nang katao-tao sa shortcut na iyon. Wala nang ibang mga nagmamaneho liban na lang sa akin. Mag-isa kong tatahakin ang napakadilim na kalsadang iyon na nababalot ng kadiliman. Ang mga ilaw sa harapan ng aking sasakyan ang s'yang nagbibigay liwanag para makita ko ang dinadaanan ng aking sasakyan. Di ko maiwasang makaramdam ng kaunting kilabot dahil batid kong kalahating oras pa ang aabutin ko sa pagmamaneho. Kung alam ko lang na ganito na pala kadilim ang dadaanan ko, sa hi-way na lang sana ako dumaan. Di bale nang matagalan, 'wag lang sana ganito kadilim ang madaanan. Pero wala na akong magagawa dahil nandoon na ako. Hindi na ako maaaring umatras pa dahil nasa kalagitnaanAll Rights Reserved
1 part