Today march 2, 2016 Hays, sobrang bigat ng nararamdaman ko alam ko naman na marami din akong pagkakamali sknya. Inaamin ko, selosa ako sa lahat ng bagay. Nasasakal na siguro sya sa mga ginagawa ko kaya nakikipag hiwalay sya. Ewan ko ba, kng bakit ayoko pumayag kahit nasasaktan na ako! Sobrang mahal na mahal ko si banong. Hindi ko alam ggawin ko, ayoko maghiwalay kami. -------------- October 12, 2009. Gabi naging kami. Sobrang dami na namin napagdaanan, magkasama kami sa lahat ng bagay. Hirap man o saya, kasalanan ko siguro lahat kaya sumusuko na sya! :( Sobrang nahihiya ako kasi hndi ko sya mabigyan ng anak! Nagkaanak nga kami pero hndi namin alam. Na eptopic pregnancy ang nangyari, ang bigat sa pakiramdam na gusto nang magkaanak ng mahal mo tapos wala kang maibigay! Nakaka insulto din sa pagkatao ko yun. Pag napaguusapan ng mga barkada nya, pag nagaasaran, mabigat din para kay banong alam kong nahihirapan sya.All Rights Reserved
1 part