Joymee's POV "Wag kang mag-alala hindi ko ipipilit sayo, kahit na lilipad ang isip ko torete sayo~""Joymeeeeeeee ano ba tanghali na bumaba ka na nga" Hala galit na ang aking madir. "Hmmmmm pababa na po" Hay another productive day na naman. Salamat sa Lord kasi may panibagong araw na naman para makita ko siya ang saya ko pang kasi minsan ko lang siya makita, hahahaha ganito pala ang feeling kapag inlove ka yung parang lumulutang kapag kasama mo siya, kaso mukhang one sided lang to' kasi mukhang mahahashtag friendzoned ako. "Hoy Joymee Dela Cruz" tawag saking ng bestfriend ko na si Aleks "Naman part maka-tawag kailangan fullname? Kung tawagin din kaya kita sa fullname mo Mr. Juan Aleksanders Landero Jr." Hahahahaha nuknukan ng tpanget ng pangalan niya pero hindi ko alam kung pano o bakit ako na-inlove sa taong to. Siguro nagsimula ito nung sumali ako sa banda. Hindi ko naman siya masyadong napapansin kasi nga di naman siya kapansin pansin kasi di naman siya kaguwapuhan.All Rights Reserved