Umahon sya sa tubig at sa di ko malamang dahilan ay parang tumigil ako sa paghinga at pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng taong naghihiyawan sa paligid. Napahawak ako sa dibdib ko at nagtataka kung bakit Bumibilis ang tibok nito at parang nakakaramdam ako ng mga lumilipad na bagay sa tiyan ko na hindi naman normal na nangyayari sa akin. Natauhan ako sa mga nangyayari sa paligin ng makita kong sumulyap sya sa akin. Lumabas ako ng gym dahil tapos naman na ang laban at umuwi sa aming bahay at inialis nalang sa isip ko ang nangyari ngayong araw.