Sa lahat ng sugat ay may gamot. Sa lahat ng lungkot may saya. Sa lahat ng ulan may bahaghari. Pero sa isang katulad ko na kailanman ay hindi nakaranas ng saya, masasabi ko bang may bahaghari pa? Kailan ko mararanasan ang bahagharing sinasabi nila? Hindi pa ba tapos ang mga ulan sa aking buhay kaya wala pa kong makitang bahaghari? Kailan ba matatapos ang lahat ng ito?