PUBLISHED BY: VIVA PSICOM PUBLISHING CORP "Dear Kung Sino Ka Man, Totoo ba ang sinasabi nila na lahat ng tao ay may true love? Na lahat tayo ay binigyan ng tadhana ng love life na makikilala natin sa tamang panahon? Na makikilala rin natin iyong taong magpapatunay sa atin na totoo ang true love? Totoo ba ang mga salitang "I love you"? Totoo bang kaya nitong resolbahin ang lahat ng problema at conflict sa buhay maliban sa pagtaas ng presyo ng bilihin at climate change? Ano ang pakiramdam ng kinikilig? Totoo bang mayroong feeling kung saan biglang bibilis at hihinto ang pagtibok ng puso? Humihinto ba ang mundo kapag nagkatinginan kayo sa mata? Nagmistula bang cherry blossoms ang puno ng mangga? Kung sino ka man, ikaw ba ang ibinigay ng tadhana para sa akin? Ikaw ba ang unang magpapatibok ng natutulog kong puso? Ikaw na ba ang Prince Charming ko? Nagmamahal, Kung Sino Man Ako