HIGHEST RANKING: #10 in Historical Fiction
Genre:♠HISTORICAL-FANTASY♠
Anim na lalaking naggu-guwapuhan sa modernong panahon. Tinitilian at makalaglag panty raw sa paningin ng mga kababaihan. Ngunit kasumpa-sumpa naman ang kanilang mga pag-uugali dahil sa kanilang mapanlait na mga bibig at makasalanang mga mata. Kaliwa't kanan ang kanilang ginagawang panloloko sa mga kababaihan at sukdulang panlalait naman sa mga kabaklaan.
Kaya naman sina Ben, Nicky, Mark, Kian, Christian, at Paul ay isinumpa. Sa 'di malamang paraan, napunta sila sa makalumang panahon. Sa isang kaharian kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang mga bakla. Noong unang panahon kasi lalo na sa mundong digmaan ang umiiral, kailangang matapang ang lahat ng lalaki at handang sumabak sa giyera anumang oras. Dahil kung hindi, kamatayan ang parusa.
Matuto kaya silang magpahalaga sa kapwa? Magawa kaya nilang mabuhay sa lugar kung saan mahigpit na tinutugis ang mga bakla?
Start Writing: January 1, 2017
End Writing:
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay?
***
Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan?
Cover Design by Louise De Ramos