Hindi nakikipag-commitment si Lyrich sa mga naging boyfriend niya. Para sa kanya pampalipas lang ng oras ang mga ito hanggang sa makilala niya ang isang gwapo at matipunong lalaki na si Charlon. Ginulo nito ang isipan at damdamin nya. May mga bagay syang nagagawa na hindi naman niya ginagawa dati. Pinaramdam sa kanya nito ang isang damdamin na hindi pa niya naramdaman sa tanang buhay niya, at nang dahil sa lalaking iyon naramdaman nya ang ligayang walang kapantay ngunit paano kung natutunan na syang mahalin ng binata. Paano niya masusuklian ang pag-ibig nito kung sa una pa lang hindi na siya maaring umibig dito o magkaroon ng commitment.