Anong gagawin mo kung malaman mo isang araw na ikakasal ka na pala? Ikakasal ka sa isang taong hindi mo minsan inisip na makakasama mo. Noong una, iniisip ko kung ano bang ginawa kong mali para mapunta sa sitwasyon na to. Pero wala akong nagawa kundi tanggapin ang mapait na kapalaran ko. Mapait talaga, ako na ang pinakamalas na babae sa mundong ibabaw. Ikinasal lang naman ako sa isang arogante at mayabang na lalaki, sino nga bang matutuwa sa ganito? Punong-puno ng kayabangan. Gwapo nga, masama naman ang ugali! Akala niyo ba ganito nalang yun? Masaya kami kasi kasal kami? Sweet? You're wrong. That's a NO. A big N-O. When our married life starts, there is one and only rule that we must obey. What is it? RULE NUMBER ONE : Never ever fall in love with each other.
73 parts