30 capítulos Concluída Hindi daw aksidente na pinagtatagpo ng Diyos ang mga tao. May dahilan at layunin ang bawat taong dumadaan sa buhay natin. May mga taong pansamantala, may mga tao namang pang matagalan.
Sino sa mga taong nakakasalamuha natin ang pang-matagalan? Sino naman yung mga dumadaan lang? Ang hirap, ano? Kahit siguro yung pinaka-matalinong tao sa mundo mahihirapan ding sagutin ang mga tanong na ito.
Madalas kasi nakaka-bobo ang tadhana, ang hirap intindihan. Pano? Bakit? Naubos mo na yung lahat ng bakit at paano pero di mo pa din alam.
Sabi nila sumakay lang daw sa agos, mai-intindihan mo din sa bandang dulo. Pero hanggang saan ba yung dulo at kailan yung tamang panahon?
Minsan akala mo okay na, narating mo na, naintindihan mo na pero pumasok ka pa pala sa mas malaking katanungan at mas lalong magulong mundo.
Sadyang masalimoot talaga, di mo maintindihan kung kakapit ka ba o bibitaw.