Ni Cheryl Angcon Oro Sa may malayong lugar ng Negros may magasawang tahimik at masayang naninirahan dito. Ang bawat isa sa kanila ay mayroong mga mabuting kalooban ayaw nilang makasakit ng ibang tao sila ay bininiyahan ng dalawang anak na lalaki, marami silang mga kaibigan dahil nga'y silay may mga magandang ugali. Sa paglipas ng labinisang taon unti-unting nagbabago ang ugali ng asawang lalaki siya ay naging pabaya sa kanyang pamilya palaging nakapukos sa kanyang trabaho at wala na siyang oras para sa kanyang pamilya. Ang babae naman ay lubusang nagaasikaso sa kanyang mga anak at ipagbahala nalang niya ang kanyang asawa sa may kapal pero inaasikaso parin niya ito at patuloy na minahal. Siya humingi nang mga payo sa kanyang mga kaibigan kung ano mga mabuting gawin sa kanyang problima. Ang payo nang isa niyang kaibigan ay dapat niyang pagtuonan ng pansin ang mga pangyayari dahil baka mahuli pa ang lahat at silay tuluyan nang mawasak.