May naniniwala pa ba sa Long Distance Relationships? May naniniwala pa ba na kayang magmahalan ng dalawang taong malayo sa isa't isa? Yung layong hindi na magkatanawan dahil sa ilang milya pagitan nila. Yung layong hindi kakayanin ng isang araw na biyahe. Yung layong hindi lang isang libo ang pamasahe. Paano pag napasok ka sa ganyang relasyon? Kakayanin mo ba ang napaka-komplikadong sitwasyon? Gigising ka araw araw na umaasa sa mga pangako niya. Iiyak ka tuwing gabi habang hinihintay ang pagbabalik niya. Sa totoo lang, mahirap 'to. Sobrang hirap! Mahirap kalabanin ang takot, pagdududa, tukso at tadhana. Nakakatakot kasi na baka isang araw magising siya na hindi na ikaw ang mahal niya o baka bigla siyang matauhan na kulang na kulang ka pa pala. Pero sa kabila ng hirap, nariyan ang pag-asa. Pag-asa na TAYO ang mananalo at hindi ang "DISTANSYA."