Bakit ganun? Kapag mahal mo ang isang bagay, nawawala nalang bigla bigla. Sabi nila, life is unfair. Pero para saakin, life is fair kasi unfair siya sa lahat ng tao. Ako nga pala si Aubrie M. Perez. Pinanganak akong may sakit sa puso. Pero, kahit may sakit ako. May isang taong nagpapasaya sakin. Yung bestfriend kong si Damien, lalaki siya. Bata palang ako, kaibigan ko na siya. Siya lang yung taong nakakaintindi saakin. Ayoko siyang mawala, ayoko mawala yung taong sinusuportahan ako sa mga gusto ko, sa mga kalokohan ko. Para lang malaman niyo, di na ako nag-aaral. Ayaw ako tanggapin ng schools kasi may malubha daw akong sakit. Okay lang, tinuturo naman dakin ni Damien mga pinag-aaralan nila. Pero paano kung sa isang iglap mawala yung taong mahal mo para sa sarili mong kapakanan? Paano kung iwanan ka ng taong minahal mo bilang napakatalik na kaibagan? May papalit pa ba sakanya? O magiging malungkot na lang ako habang buhay?