Paano kung hindi magkatugma ang sinasabi at pinapakita sayo ng isang tao? Makikinig ka ba sa naririnig mo o sa pinapakita nya sayo? Kwento ito ng buhay ni Mary at ang mala-roller coaster niyang emosyon simula ng makilala niya si Greg, isang US Army. Nagsimula sa kilig - magtapos kaya sila sa happy ending? --- Hmmm...ano kayang maisusuot ko ngayong gabi? Nakapamewang kong sinambit sa isip ko habang nakatayo sa tapat ng nakabukas kong aparador. Tumingin ako sa orasang nakasabit sa dingding... 5:00 na pala. Hindi pa ako naliligo. Shocks! Nagmadali kong kinuha ang aking twalya at lumabas ng kwarto papuntang cr para maligo. "Hey, Mary, do you mind going alone tonight?" Tumingin ako kay Ara na nakaupong nagsusuot ng bagong bili nyang stilletos sa may sofa. Sha ang roommate ko - taga Russia kaya english speaking.
9 parts