Si Grasya, ang babaeng disgrasyada. Ops! Wag judgemental, hindi siya buntis o nabuntis ha. Ingat na ingat nga siya sa puri niya e. Ang ibig kong sabihin sa disgrasyada ay literal na hinahabol, pinapaulanan at minamalas siya dahil sinasalo na at niya lahat ng aksidenteng pwedeng mangyari. Kakambal na niya ang kamalasan. Siguro nung nakaraang buhay niya isa siyang killer, holdaper, magnanakaw, manloloko, kaya ngayong nabuhay siyang muli ay pinaparusahan siya. Paano kung dahil sa isang baby ay kailanganin siya ni Teodoro Natividad na CEO ng isa sa pinakamalaking kompanya ng bansa. The most strict and serious man that she'll ever met. Makakaya ba nilang matagalan at mapakisamahan ang bawat isa? *2nd Inta series* [published under PHR. Hindi na complete ang chapters na nandito.]