Ang mundo ay napapalibutan ng iba't ibang kakatwang mga bagay. Puno ng hiwaga, kilabot, at kababalaghan.
Sabi ng iilan, may mga daan daw ang mga ispirito o kaluluwa kung paano nila ipaparamdam na nasa paligid lang sila. May nagpapagalaw ng iilang mga bagay, gumagawa ng ingay, at minsan isinasama ang diwa at kamalayan nila sa isang bagay na mahalaga sa kanila.
Noong panahon ng World War I, may isang magaling na manunulat ng tula ang nadiskubre ng karamihan. Hinangaan ito sa kaniyang mga akda. Pero isang araw, dinakip ito at pinatay. Pero bago ito pinatay, gumawa ito ng tulang sabi nila ay tula para sa mga demonyong kaniyang sinasamba.
Maraming nagtangkang tapusin ang pagbabasa nito. Natapos nga nila, ngunit ilang minuto o oras lamang ang lumipas, bigla na lang silang namamatay sa nakakakilabot na paraan. Hindi malaman ng mga nakasaksi sa mga biktima kung paano sila namatay sa kalunos-lunos na paraan. O maaaring pinatay.
At ito ang aalamin ni Ophelia.
Malalaman kaya niya kung ano ang hiwaga ng mga katagang nakasulat sa tula?
Mapipigilan kaya niya ang sumpa?
Paano kung pati siya, ay mabasa ito at masalinan ng sumpa?
Huli na kaya ang lahat?
Ating alamin sa...
THE POET'S CURSE
@SimplicityJohny
Started: March 12, 2016
Isang komplikadong buhay, iyan ang meron si Alia. Magmula ng mawala ang mga magulang ay doon siya sinimulang gipitin ng buhay. Para makapag patuloy, walang nagawa si Alia kung hindi ang pasukin ang isang mundong paulit-ulit niyang isinumpa noon. Mundong hindi niya akalaing papasukin niya sa huli.
Hindi lubos maisip na matapos maging isa sa pinaka-kinatatakutang nilalang sa mundong kanyang pinili ay darating ang isang taong magbabago ng lahat. Hindi niya inakalang matapos gawing bato ang puso at linlangin ang lahat sa kanyang buong pagkatao nandon parin ang isang taong babago ng lahat. Taong magbibigay ng liwanag sa kanyang madilim na mundo. Taong magbibigay ng kulay sa isang mundong tinakasan na ng liwanag.
Ngunit paano niya ito matatanggap kung sa mundong kanyang ginagalawan, hindi pinahihintulutan ang ganitong bagay? Sa mundong kanilang pinili, kamatayan ang maaaring maging kapalit.
Kaya niya bang isugal ang lahat? Kaya ba niyang harapin ang kaparusahan? O mas pipiliin niya ang isang parte kung saan pareho silang masasaktan?
But what will Alia do, if the love she has always wanted turns out to be forbidden?
~~~🌸~~~
Date Started : July 24, 2020
Date Finished : September 23, 2020