Matagal nang may gusto si Rafaela sa kababatang si Miguel. At kaya niyang tanggapin ang katotohanang isa itong lalaking medyo ipinaglihi sa babae. Handa siyang maghintay na maging tuwid ulit ang landas nito. Ngunit kung kailan naman handa na siyang lasingin at pikutin si Miguel ay saka naman darating si Basty sa buhay nila. Isang lalaki bigla ring tumagilid ang landas. Ayaw man niyang maging kontrabida sa isang love story ay hindi siya makakapayag na mapunta kay Basty ang minamahal niyang si Miguel. Kaya gumawa siya ng paraan upang umeksena sa buhay ng dalawang beki. Pero sa pagsasama nilang tatlo, bigla na lang dumating ang oras na naramdaman niyang nagsisimulang na ring mahulog ang loob niya kay Basty. Kung kailan, paano at bakit iyon nangyari ay hindi niya alam. Magtagumpay pa kaya siyang putulin ang pagtitinginang maaaring mamuo sa dalawang binabae o siya ang mamroblema kung kanino mapupunta ang puso niya?
3 parts