PROLOGUE
Maraming naniniwala kay Kupido. Si Kupido na tagapana daw ng dalawang tao na nararapat makaramdam ng magic sa isa't-isa. Ang nga naniniwala sa kanya ay yung mga tagapagtaguyod ng forever at ng pag-ibig na sa wattpad mo lamang mahahanap. Yung mga tipong, nagkagusto si Bad Boy kay Nerd o yung nabubully pala ang pinakamayamang estudyante sa paaralan. Mga kathang-isip na patuloy na pinapaasang mabuti ang mga desperadong makahanap ng tunay na pag-ibig. Sa aking palagay ay walang ganon. Para sa akin, si Kupido ay nabuo lamang ng sa gayon ay may representative ang mga hopeless romantic. Isa lamang siyang karakter sa ating imahinasyon na patuloy tayong paaasahin. Ang bawat matipuhan nyang panain ay may mga pagdadaanang pagsubok. Hanggang sa may masaktan na. Ang unang sumuko ang talunan. Kaya kapag pinaniwala ka ni Kupido na Love is Freedon from Hate and Sorrow, magisip-isip ka na. Kasi malay mo diba, baka naman nagsisinungaling sya.
AN: Project namin to na naisipan ko lang i-share.