"Ayoko ng mabuhay pa," apat na salitang binitawan ni Ania bago siya tuluyang tumalon mula sa isang walong palapag na building sa kanilang lugar. Buhay? Isang malaking kalokohan sa kaniya. Paano nga ba niya matatawag na buhay, kung sa tuwing uuwi siya mula sa eskuwelahan ay mga demonyo pa ang sasalubong sa kanilang barong-barong na bahay? Na sa edad na labing-pitong gulang ay nagtatrabaho na siya, hindi lang isa, kung hindi tatlong trabahong sunod-sunod pagkauwi niya mula sa iskul. Ano pa nga ba ang saysay ng buhay niya kung pakiramdam niya ay patay na rin siya? Yun nga lang, tanging katawan niya ang buhay. Para saan pa kung patay na rin at nabubulok na ang loob niya? Kung totoo lang sana na sa kabilang buhay ay masaya. Kung sa kabilang buhay, ay iba na ang magiging buhay niya. Kung totoo sana na kapag patay ka na, mapupunta ka sa ibang dimensyon bilang ikaw ngunit ibang ikaw na. Sana nga totoo na may ibang mundo na maganda ang buhay niya.All Rights Reserved
1 part