Sundae stopped believing in fairytales and happy-ever afters matapos iwan ng mama niya sila ng papa niya para sa ibang lalaki. Since then, she taught herself not to trust anyone but herself kung ayaw niyang masaktan lang. Lumaki siyang hindi na kinikilala ang kanyang ina. Masaya siya kahit sila lang ng papa niya. Maganda ang career niya bilang DJ , maunlad ang furniture business nila ng papa niya maging ang coffee and tea shop nilang magpipinsan. Hindi rin siya nagka-boyfriend dahil mabilis na nai-intimidate ang mga prospect suitors niya sa kanya. Then there's a guy named Rickson. Regular customer nila ito at nakagirian niya ito minsan dahil lang sa order na kape. Ayaw kasi nilang pagbigyan ang isa't isa. Ayaw magpatalo ni Sundae dahil male-late na siya sa trabaho niya. Nagulat na lang siya nang sa muli nila nitong pagkikita ay gusto nitong ireklamo siya at ang management ng coffee shop nila. Luckily, pumayag naman itong makipag-areglo. Hindi nga lang madali ang gusto nitong mangyari. Gusto nitong makipag-date siya rito dahil sa kagagawan na rin ng pinsan niyang si Éclair! Para matapos na ang gusot ay pumayag na rin siya. Mukha naman itong desente, may matinong trabaho at higit sa lahat, wagas tumitig ang chinito nitong mga mata. Si Rickson na nga kaya ang makakapagpabago ng pananaw niya sa buhay at pag-ibig?
13 parts