Itong kwento ay kwento ng isang babaeng laging umaasa, naga-assume at nasasaktan. Hindi lang ito tungkol sa love, tungkol din ito sa pamilya niyang lagi nalang napapansin ang kanyang mga maling ginagawa. Siya si Denise Alcantara, 17 years old, pinanganak noong November 21, 1998, maliit na babae, brown ang kulay ng mata, kayumanggi ang kulay ng balat, brown ang buhok, naka-braces, favorite niya ang color violet at maganda. Siya ay panganay sa kanilang dalawang mag kapatid. Ang kaniyang kapatid na babae na si Demi Alcantara, 11 years old. Tatlong beses nang nagmahal si Denise kaso pumalpak, iniwan siya. Hanggang sa may dumating na isang lalaki na si Sidney Tingson. Naging mag Best friends sila. Alamin kung paano sila nagkakilala at kamusta ang lovelife ni Denise? Mababago ba ni Sidney ang buhay ni Denise? Magiging positive na ba ang lovelife ni Denise o pagdating sa huli ay siya parin ang maiiwan?