Simula pa lang nung nasa sinapupunan sila ng mga ina nila, ipinagkasundo na silang ikasal na dalawa. Kaya naman, 'di na nakapagtatakang lumaki silang sobrang malapit sa isa't isa. Kung nasaan ang isa, nandoon naman ang isa. She's Duke's Duchess and he's willing to throw everything just for her. No questions asked. Alam niya ang likaw ng bituka nito, at alam din naman nito ang lahat sa kanya. Well, maliban sa dalawang bagay. At wala siyang lakas ng loob na sabihin 'yun dito. Lalo pa at nangako siyang bibitawan niya ang binata pag nakita na nito ang babaeng mamahalin nito. Kahit pa kontrahin niya ang mga magulang nila. Kahit pa kontrahin niya ang sariling puso niya.