Masakit tanggapin na ang taong minahal mo ng totoo ay hindi pala talaga ang nakatadhana para sa'yo. Sabi nila sa mundong ginagalawan natin meron talagang taong inilaan para mahalin ka, siguro kailangan mo nga lang talagang maghintay para malaman o makilala kung sino talaga siya. Minalas lang siguro sa unang pag-ibig si Rhia sabi nila "first love never dies", eh kung patayin ko kaya yung first love na yun! Kapag nagmahal ka dapat handa ka at dapat nagtitira ka rin para sa sarili mo, sabi nila kapag nagmahal dapat mahal lang hindi mahal na mahal para kapag iniwan ka masakit lang hindi masakit na masakit. Pinaikot ka lang sa mga salita diba? Pero ang bottom line doon: "Dapat nagtitira ka din para sa sarili mo". At iyon ang hindi ginawa ni Rhia, paano tanga kasi magmahal eh. Istorya ng isang babae na wasak ang puso at gagawin ang lahat makalimot lang, at lalaking habulin ng mga babae.