"I never thought I would be breathless looking at a girl in her school uniform", wika niya sabay sa pagkinang ng kanyang earings at pagsiil ng halik sa akin. Hindi ko lubos akalain na hindi lang pala ako ang kinakapusan ng hininga kapag kaharap ko siya. Kay bilis ng pagtipa ng puso ko sa aking dibdib tuwing malapit siya sa akin. Dahil nga kaya sa siya si Frank Ashton Pearce, ang hinahangaang drummer ng bandang "West Coast" at nasasama lang ako sa agos dahil sa dami ng fangirls niya; o dahil may damdamin akong pinipilit kong pigilan na nais umusbong para sa kanya?