
Sa kagustuhang makatakas sa kahirapan, handa si Elias na gawin ang lahat para makapasa sa pinakamahalagang exam ng buhay niya. Ngunit nang muling magpakita ang isang kaibigan-ngayon ay deboto na ng isang misteryosong simbahan-nagbukas sa kanya ng isang alok na hindi niya kayang tanggihan: tiyak na tagumpay, kapalit ng isang panata. Isang pangakong simple lang ang kapalit-maglingkod sa simbahan sa oras na matupad ang pangarap niya. Ngunit may isang patakaran na hindi sinabi nang malinaw: ang tunay na pasasalamat ay may dugo. Kailangan niyang mag-alay ng isang mahal sa buhay.All Rights Reserved