Isa sa mga pinaka sikat na unibersidad ng Maynila ang South Eastern University. Pagmamay-ari ito ni Mr. & Mrs. Martel. Ang unibersidad na ito ay naglalaman ng mga estudyanteng may klase-klaseng talento. May dancers, singers, sporty, at higit sa lahat, matatalino. Ang S.E.U ay malawak at napaka gandang eskwelahan. May scholars pero karamihan sa nag-aaral dito ay mayayaman. Maraming sections ang S.E.U, ngunit iisa lang ang laging nag-s-standout sa lahat ng iyon. Ang Section Rizal, syempre dahil lahat na ata ng klase ng estudyante ay noon na. Sporty, Magagaling, matatalino, responsable, mayayaman at sikat. Sa kasamaang palad, may nangyaring hindi nila inaasahan. Kaya ngayon, tinatanyag ang classroom nila bilang DEATH SECTION.