"Akala mo ba madali ang magkagusto sa iyo, ha? No, let me rephrase it. Akala mo ba madali ang mahalin ka?! Nakakaubos ng bangs! Iyong eye bags ko nagmamay-ari na ng isang lote dito sa mata ko. At ang matindi, nakakabobo ang mag-isip sa iyo! Hindi kita ma-calculate, mahina pa naman ako sa Math."
Iluminada Papasin: beinte-tres anyos, walang matinong hanapbuhay. She preferred to be called Ada.
Handang-handa na siya para sa job interview nang sa pagmamadali ay sumalpok siya sa isang pigura. Natanaw na yata niya ang Andromeda Galaxy sa sobrang lakas ng impact ng collision. Tinarayan niya ang lalaking guwapo nga'y mukha namang hinugot sa basurahan. Ang nakapagtataka lang, paanong ang isang lalaking mukhang mabaho ay napakabango naman?
Natanggap si Ada sa advertising agency. At doon ay muli niyang nakita ang poging lalaking nakabanggaan niya. It turned out, ang inakala niyang janitor ay ang boss pala nilang si Kent Salvacion! Awa ng Maykapal, hindi naman siya nawalan ng trabaho. Napili pa ni Kent ang suhestiyon niyang gawing lokasyon ng commercial ang Sitio de Amor, isang farm hotel, kung saan matatagpuan ang maalamat na Lake Pandin.
Nang minsang magkatitigan sila ay naramdaman ni Ada ang kakaibang ihip ng hanging sinasabi sa alamat. Magkatotoo kaya ang alamat sa kanilang dalawa ni Kent at mabighani kaya ito ng pagiging "diwata" niya? O bahagi lang iyon ng malawak na imahinasyon niya?
P.S unedited version po ito. This is a published novel under PHR. So hindi po talaga siya pwedeng i-post sa kumpletong version. God Bless po.
July 1, 2015