Sobrang dami namang lalaki sa mundo bakit kasi masyado akong atat? May dadating din naman para sa akin. Maraming katangian ang mga lalaki: may matangkad, may maliit, may maputi, may maitim, meron din namang sunog, bakit kasi mukha lang ang tinitignan ko? Hindi ko naman alam kung mabait sya? Sabi nga nila, may mga taong pogi kaso pangit ang ugali. At may mga taong panget pero maganda naman ang ugali. What ever! Pero hindi ko din masasabi na ganon nga talaga sila! Isang araw ako ay nag kulong sa kuwarto ko at binuksan ko ang aking loptop, maya maya pa ay binuksan ko ang aking twitter. At sinerch ang pangalan nya, putek! Walang lumabas ano bayan! Minsan kamo na isip ko, pa famous sya! Kase bakit ka pa mag iiba ng pangalan? Eh may pangalan ka naman! Edi Wow! sige ikaw na! ikaw na ang dakila! Hahahahahaha! My god ititigil ko kaya to? Eh pano ba naman lahat nang nagiging crush ko ay ini-istalk ko. Pero nag papa-salamat ako dahil may kaibigan akong nandyan palage kapag nasasaktan ako.