Panganay , yan ang role ni Arlene Aguilar . Lahat ng duties ng isang Panganay ginagawa nya . At dahil mga bata pa ang mga kapatid nya halos lahat ng gawaing bahay ay nakatoka sa kanya . Pinapagalitan , sinisermunan , sinisisi , umiintindi at nag-papasensya ,walang araw na di nya yan nararanasan . Iniisip nya minsan kung anak pa ba ang turing sa kanya o katulong ? Lahat naman ginagawa nya maging proud lang parents nya pero di pa ba yun enough ? Lahat ng sakit tatanggapin nya pero ang lokohin sya ng mga taong mahal nya ? Kaya pa kaya nyang tanggapin ? Ano bang kayang isakrapisyo ng isang panganay ? Ano pa ang kayang gawin ni Arlene para sa kanyang pamilya ?