Lahat na halos ng tao ngayon ay may mga social media accounts na. Malaki ang nagiging impluwensya nito sa marami mapa-Facebook, Twitter o Instagram man. May mga tao din na gumagaan ang loob kapag nakikita na may nag-like ng kanilang OOTD at ATM sa Instagram, post sa Facebook, o kaya retweet at favorite na tweet sa Twitter. Ngunit aminin man natin sa hindi, may ilan na nag nanais ng sobra. Masarap sa pakiramdam ang mayroong taga-hanga at followers. Mayroon nga na nag memessage pa ng personal para lamang mag makaawa na i-like ang post nila sa social media. Kaya naman binansagan sila sa world wide web na mga "Pa-Famous". Kilalanin natin si Fammy Casimiro, ang pasikat na babaeng nagnanais ng maraming likers at gagawin ang lahat para lamang maging kaaya-aya sa paningin ng marami. Pinili niya ang maging Fame-seeker sa pag-aakalang maiaahon siya nito sa diskrimninasyong kinakaharap niya sa buhay. Umabot siya sa puntong sumobra na ang mga ginagawa niya. At lahat ng sobra ay nakaka-sama. Ang sobrang kasikatan ay nakaka-bulag. Hanggang saan hahantong ang pagiging Pa-Famous ng ating bida? Matatagpuan niya ba ang sarili sa kaniyang ginagawa? Siya si Fammy Casimiro, i-aaccept mo ba ang friend request niya sayo?