Sometimes, life is just unfair. Magbibigay ng pagsubok na kailangan, may mga madadamay. Magbibigay ng pagsubok na kailangang may sumugal... Kailangan mong sumugal. Magsisinungaling ka ng katotohanan. Lolokohin mo ang sarili mo sa kasinungalingan. Magpapanggap ka ng sariling galaw. Ilalabas ang pilit tinatago sa kasinungalingan. Sa ganoong sitwasyon, hindi ba't nakakagago? Niloloko mo ang sarili mo para sa ibang tao. Pero ang puso ay may sariling ritmo na hindi susunod sa utak mo. May sariling tono na hindi makikisama sa bibig mo. Pero ano nga bang masusunod kung pareho kayong ganito? Anong kahihinatnan ninyo?