Highest Ranks #7 Oneoftheboys #10 Heartstring #14 Reason #3 Ache #2 Jejemon #1 Unfinished #1 Paperplane Sabi nila, ang Highschool life raw ang pinaka-"the best" sa adolescent stage ng mga kabataan. Totoo nga naman, lalo na sa dalawang taong ito na parang hilaga at timog ang pagkakaiba sa isa't isa. Sa isang pampublikong paaralan sa sekondarya, may dalawang pangkaraniwang mag-aaral na mararanasan ang isang pangkaraniwang kuwento ng pag-ibig. Siya si Kathalyn Chua. One of the boys man kung kumilos, siya pa rin ay pusong babae. Hindi na marunong mag-ayos ng sarili, hindi rin madalas magsuklay ang buhok at madalang na ngang magpulbos ng mukha ay maganda pa rin. Hindi man katalinuhan, masipag naman sa pag-aaral. At higit sa lahat, napupuno ng mga jejeng kanta ang playlist ng phone niya. At ito naman si Kris Larence Uy. Natural, gwapo pero hindi pa-famous. Hindi man mayaman pero marunong mag-ipon. Pero may itsura nga, ni isang beses naman ay hindi pa nagkaroon ng karelasyon. At higit sa lahat, siya ang bukod tanging hindi tropa ni Kath sa lahat ng lalaking kaklase nila. Sa isang tipikal na maingay at magulong pangkat ng kanilang ika-12 na baitang sa Senior High magsisimula ang kanilang matamis ngunit mapait na kuwento. Ang dalawang kabataang ito na magkaiba ang ritmo ng buhay ay pagtatagpuin at pag-iisahin sa isang pana ni kupido. Sa paglipad ng eroplanong papel dala ang kanyang nararamdaman, maitatawid kaya ni Kris ang kanyang pagmamahal at magagawa kaya nitong maka-landing sa puso ni Kath? ..... ..... ..... THIS NOVEL IS ALREADLY BEEN COMPLETED. Love on Medley#01 | One Shot to the Heart | Exrineance One Shot | Teen Fiction Filipino | English | Odd Format