Hindi ako mahilig magkape. Lagi akong puyat pero masyadong matapang ang kape. Takot nga pala ako sa kape. Kaso lang, tinimplahan ako ng Tatay ko ng kape. Kaya't sige, magkakape na lang ako. _________________________ Mainit pa siya kaya't itatabi ko muna. Pinunasan ko na rin ang mesa naming may salamin, alam ko kasing magmamarka na naman ang baso maya-maya. Makapaghihintay naman siya, itinabi ko na nga di ba? Saka, wala namang ibang iinom; pero kung may hihingi pagkat uhaw, sa kanya na lang. Ganito na lang: kung gusto mo, sayo na lang. Wag kang mag-alala, walang lason yan. Sigurado akong ayos ang timpla nyan kasi Tatay ko nga ang gumawa. Wala naman sigurong Tatay na kikitil sa buhay ng anak, di ba? _________________________ Sabi nila, ang lalim daw ng pinanghuhugatan ng mga manunulat lalo na yung mga makatang maraming banat sa pag-ibig. Pag nasaktan kasi sila, hindi lang Ampalaya Lines ang mababasa mo; para ka pang binuhusan ng kumukulong kape na may saksakan ng latak pag hinalo. At kung nagawa mo nang isalin ang kapeng mainit sa tasa o basong may nagyeyelong tubig, doon mo malalamang: hindi lahat ng mainit na kape, nakakapaso at hindi lahat ng nagyeyelo, habambuhay na buo't matigas na para bang pusong bato. Hindi nga pala ako magtutula ngayon. Hindi rin ako magbibiro. Hindi na rin ako babanat. Promise, magkakape lang tayo. Tara, maupo ka lang tayo. Tara, maupo ka :)
2 parts