Naranasan na natin ang masaktan. Kapag nagmahal ka, given nang masasaktan ka. Kakambal ng pagmamahal ay ang sakit. Congrats sayo kapag nakaya mong makipagsabayan. Pero paano kung gusto mo lang magmahal? Paano kung pagmamahal lang? Posible kayang hindi masaktan sa love? Ito ang kwento ko; nagmahal ako pero nasaktan. Malungkot kasi iniwanan. Umiyak kasi nawalan. Pero kung may pinasasalamatan man ako, yun ay ang nagmahal ako. Nainlove ako sa taong nagbigay buhay sa puso ko. Ikaw yun.